3/22/2013 2:27:54 PM
Pasadahan
natin ‘to tutal sa (ika-7 taon at sa ika-7 pagkakataon na rin) ay gaganapin ang
tinatawag na “Earth Hour.” At magaganap yan bukas, a-23 ng Marso, taong 2013,
mula alas-8:30 hanggang alas-9:30 ng gabi.
Maganda rin
ang may mga tinatawag an EARTH HOUR kada taon. Ito rin kasi ang nagbibigay
babala sa atin sa mga nangyayari sa ating kalikasan. Na dapat maging aware tayo
sa ganun at pangalagahan natin ang ating mundo.
Ayon sa
kanilang website, tayo ngayon ay humaharap sa mga kritikal na pangayayari at
pagbabago sa ating kalikasan sa mundong ito. Isama mo na ang matinding sigalot
na kung tawagin ay climate change.
Unang isinagawa
ang Earth Hour sa Sydney, Australia noong Marso 31, 2007. Humigit-kumulang 2
milyon katao ang nakilahok sa pagpatay ng ilaw nun sa oras na alas-7:30
hanggang alas-8:30 ng gabi. At sa sumunod na taon, ito ay idinaraos sa mahigit
35 bansa. Hanggang sa lumago pa ito sa mga nagdaang mga taon. Kasama ang
Pilipinas sa napakaraming bansa na lumalahok sa nasabing event.
Pero para
sa akin, ang Earth Hour ay hindi lang ginaganap sa isang Sabado sa kada isang
taon. Kailan dapat?