7/9/2013 9:15:13 PM
Ang daming problema ng Pilipinas. Pero bakit pangalan pa nito ang pinagtutuunan ng pansin?
Ayon kasi
sa Komisyon ng Wikang Filipino, dapat raw palitan ang pangalan natin. Well,
yung unang letra lang naman ng salitang Pilipinas. Dapat raw kasi, gawin itong “Filipinas.”
O sige,
given. Magiging Filipinas nga ang pangalan natin sa hinaharap. Kaso... ano naman?
Maliban sa ating pagkakakilanlan bilang mga Filipino o “Finoy (ha?!)” magagawa
ba nitong i-angat an gating bansa mula sa hikaos ng ating ekonomiya, korapsyon,
kahirapan, krimen, kamangmangan at kaignorantehan ng mayorya, at iba pa?
Pero malay
mo, ito ang isa sa mga unang hakbang tungo sa pagbabagong tinutukoy nila. Siyempre,
panlabas na anyo. Pero... Filipinas?!