10/18/2013
9:04:13 AM
Isang satirical punchline nga muna tayo, na 'di ko malaman kung sino ba ang unang nagpasimuno, pero credits pa rin tayo sa kanya, ha? Alam ko, walang kwenta 'to pag binasa mo lang, kaya ayus-ayusin mo na lang ang pag-deliver mo n'yan para 'di ka magmukhang corny.
Tanong: Anong chord ang paborito ni Freddie Aguilar?
Sagot: 'e di A MINOR!
Okay, so
may malaking pasabog na naganap sa katatapos lang na 5th Star Awards
for Music. Ang isang batikang mang-aawit, may karelasyon na... bata?! Tama, si
Ka Freddie, may nadale pang binibini!
Eh ano
naman ngayon?
Ang 60
anyos na si Freddie Aguilar, na ginawaran ng lifetime achievement award sa
naturang patimpalak, ay umamin na ang
bago niyang ka-relasyon ay 16 anyso pa lamang. Halos malapit ang tunog no
(sixty, and sixteen)?