3/28/2014 11:47:19 AM
Sa parte ng isang magulang, wala nang sasaya pa kesa sa makita
niya ang anak niyang makapagtapos ng pag-aaral. Oo, hindi ito makakaila – yan talaga
ang isa sa mga pinakapangarap nila para sa ating lahat.
At ayan na, mamartsa ka na sa red carpet papunta sa
entablado kaharap ang mga nakatataas sa pamantasan na minsan mo nang pinasukan,
pinag-aralanan nang napakahabang panahon, tinakasan para magbulakbol, at
palagiang binabayaran ng tuition.
Ayos, after four years sa kolehiyo, o 17 years overall
(exception na nga lang sa panahon ngayon na may K+12 program, so kayo na bahala
mag-adjust dun), ay graduate ka na.
Pero ang tanong... eh ano ngayon?