10/12/2013
12:42:33 PM
Kamakailanlang,
umalingangaw na naman ang balitang may kinalaman sa plagiarism. At hindi ito
usapin ng copy-paste ng artikulo o talumpati na ginawa ng isang senador noong
nakaraang taon, ha? Ang tinutukoy ko sa puntong ito ay ang pag-nakaw diumano at
pag-angkin ng isang “scholar” ng mga litrato na sinasali niya sa mga
patimpalak.
Matapos
pumutok ang isyu ng pag-plagiarize ni Marc Joseph Solis sa isang litrato (na
nanalo pa) bilang entry niya sa Smiles For The World Competition, ay nabuklat
din ang kasaysayan ng kanyang gawain. Aniya, lumahok ang naturang Public
Administration graduate sa 7 photo contests, at 3 sa mga ito ay nakakuha siya
ng mga parangal. Hindi para sa best plagiarizer ha? Kundi sa pagkapanalo.
Tama. Pitong
patimpalak at pitong nakaw na litrato. Nakagugulat ba? Ayon yan sa fact-finding
committee na binuo kasunod ng nasabing insidente na ikinasangkutan ng isa sa
kanilang mga “iskolar.” Sabi ng dean ng UP National College for Public
Administration (NCPAG) yan: “He submitted pictures that were not his
despite the rules of the contests that the person should be submitting original
work.”**