7/2/2013 10:42:51 PM
Photo credits: The Philippine STAR |
Isa sa mga pinakaugat ng kahirapan sa ating bansa ay ang mga
tinatawag na “informal settler.” Iskwater, kung kolokyal na lengwahe ang
usapan.
Oo, isa sa mga pinakaugat nga ng problema sa ating bansa.
Maraming dahilan kung bakit. Nagagamit sila ng ilang mga puliitko para
dominahen ng mga ito ang lugar at kapangyarihan. Meron pa sa mga ito ay ginagawang isang propesyon ang pagiiskwat.
Nagiging pugad rin ito ng mga halang na bituka, mababaw na kamalayan, baluktot
na pag-unawa, at bara-barang astahan.
Ganun? Well, hindi naman lahat ng nakatira dun ay mga gago
talaga. Dahil ang iba sa kanila ay lumuwas mula sa kani-kanilang mga probinsya
para makipagsaparalan sa Maynila, at sa hindi magandang pagkakataon ay hindi
pinalad na makaupa ng disenteng tahanan.
Kamakailanlang, maliban sa mga kaliwa’t kanang demolisyon,
ay may mga ugong-ugong na balita na sila’y nakatatanggap ng 18 libong piso sa
loob ng isang taon bilang subsidiya ng gobyerno.