4/27/2014
2:16:44 PM
Sana ang karamihan
sa mga taong nagpapakita talaga ng TUNAY na kabanalan, ay tulad ni Pope John
Paul II. Oh, correction, Saint John Paul II.
Sa totoo
lang, hindi ako saradong Katoliko, at hindi rin naman ako nabuhay sa medieval
ages (ni hindi nga ako nakapunta sa isang malaking event noong 1995 na tinaguriang
World Youth Day).
Pero hindi
naman sa pangungumpara, ano? Ang mga tulad ni Karol Wojytla – o mas kilala mula
pa noong 1978 bilang si Pope John Paul II – ang isa sa mga taong kailangan ng
Simabahan para mapalaganap ang dalawang bagay: una, ang pananamplataya; at
pangalawa, ang asal ng katinuan.