5/23/2013 3:45:40 PM
Photo credit: sci-marinduque.blogspot.com |
Ang K-12 education system, isang programa na nagpabago sa
sistema ng edukasyon mula sa dating 10 taon, ay naisabatas na matapos itong
pirmahan ni Pangulong Noynoy Aquino kamakailanlang.
Ngayon, ano na? Ano ang signipikasyon nito sa panahon
ngayon? Nahuhuli na raw kasi ang Pilipinas pagdating sa sistema ng edukasyon e. Sa
totoo lang, mula noong nakalaya tayo sa diktadurya, ang edukasyon ay isa sa mga
bagay na ineechapwera ng lipunan. Naging isa rin ito sa ugat ng diskriminasyon
sa iilan.