7/29/2013 7:07:48 PM
Ang sanaysay na mababasa n’yo ay kathang-isip lamang.
Alas-diyes kwarenta’y singko na ng Linggo ng gabi. Last two
minutes na yun sa fourth quarter. Tabla ang iskor sa 85. Umaandar ang orasan at
ang possession ng bola ay sa mga nakapula. Mainit ang lugar kahit maulan noong
gabing iyun. Hindi lang dahil sa matinding bakbakan, kundi dahil na rin sa tila
blockbuster ang dami ng taong nanunood. Championship game na kasi yun at nasa
sagad na ang serye ng kanilang best-of-three. Isa ang magwawagi habang ang isa
nama’y masasawi.