07:53 PM | 03/15/2013
After Hours, ang programa nun sa isang
network na kung tawagin ay MTV
Philippines. Sobrang ayos lang niya kasi para siya yung “non-stop music” nun e.
Walang VJ na nagiintroduce ng mga video
(o umeepal kung bad trip ka sa kanila), just the music videos lang ang umeere.
Madalas ‘to nun umeere pag alas-tres (o alas-dos yata) hanggang alas-sais ng
umaga.
Hindi ko alam kung bakit ko siya
nakahiligan e. Parang yung feeling lang na sarap magsoundtrip habang bumibiyahe
ka o sadayng nagchi-chillax lang sa lugar na iyong kinatitirikan.
Ang alam ko lang nun e mahihilig ako manood
ng mga music video nun, pampalipas-oras
ko lang sa madaling-araw pag nagigising ako. Halo-halo lang yun, mula sa
mga foreign pop at mga OPM. Yun pa ang panahon na astig pa ang mainstream at
yun pa ang tila huling hurrah ng MTV sa Pilipinas.