09/21/2012 12:27 AM
September 21, 1972. Araw ng
Huwebes. Sa bisa ng Proclamation #1081, idineklara ng Pangulo noon ng Pilipinas na
si Ferdinad Edralin Marcos ang Martial Law. Ang pinakapangunahing dahilan sa
pagdeklara nito ay ang labis na karahasang nagaganap sa kanyang panunungkulan.
Ayon naman sa ilang mga kritiko niya, ito ay naisabatas para magtagal siya sa
kanyang kapangyarihan. Tuluyang naimplementa ang batas-militar nang alas-9 ng
gabi ng Setyembre 22, araw ng Biyernes; at inanunsiyo niya ito sa lahat ng
istasyon ng radio at telebisyon na umeere sa buong bansa sa oras na alas-7:30
ng gabi noong Sabado, a-23 ng Setyembre, 1972.