12:09:28 PM
| 3/31/2013 | Sunday
Well, tapos
na ang panahon ng pagluluksa. Tapos na ang panahon ng pamamanata. Nabuhay na
ulit si Jesus Christ. Magbubunyi na naman ang sangkatauhan. May Easter egg pa na
kasama. Buhay na naman ang negosyo, opisina, at mga himpilan ng radio, TV at
pahayagan.
Kaso, ang
tanong... matapos ang Lenten Season, ano na ang mangyayari? Babalik ka ba sa
dating gawi? Natural, pero sa dating gawi na hindi na ka na naman magsisimba? Gagawa
ka na naman ba ng kalokohan? Mambabalahura ka naman ba sa iyong kapwa? Tapos pagdating
ulit ng Semana Santa sa susunod na taon e parang mga santo’t santita kung
umasta? Bait-baitan na naman ang peg?
Ang plastic
mo din ano? Ayos sana kung hindi ka talagang relihiyosong nilalang e. Kaso aasal
na parang gago ka na naman tulad ng dati?