Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.
Showing posts with label Mga Album Ng Makata. Show all posts
Showing posts with label Mga Album Ng Makata. Show all posts

17 September 2012

Playback: Gloc-9 – Alalay ng Hari

09/17/2012 11:30 AM

(halaw mula sa pangalawang berso ng kantang ito)

‘Pag COLD SUMMER NIGHTS ay napapraning
MERON AKONG ANO na ‘di bading ang dating
Silang mga UBOS BIYAYA na laging lasing
Mga NILAMON NG SISTEMA na andyan pa rin
Kabulok ang nangangamoy kahit dumadaan sa korte
Sino ang kumain ng isang kilong MAHIWAGANG KAMOTE?
Kaya MGA KABABAYAN, ITO ANG GUSTO KO
Hindi ka dapat mahiya KAHIT ILONG MO AY PANGO
Kasi TAYO’Y MGA PINOY, anuman ang mangyari
May MAN FROM MANILA na palaging magsasabing
ONE CAN’T TALK PEACE IF YOU HAVE A GUN
Handa ka bang ipaglaban ang THREE STARS AND A SUN?

Hindi ko alam kung naging single na ba ito ng rapper artist ni Gloc-9 sa ngayon. Ito ay isa sa mga kanta niya na nagawa mula sa kanyang album na Mga Kwento Ng Makata na kaka-release lang ngayong taon under Universal Records. Kasama niya sa kantang ito ay si Allan Mitchell Silonga na siya naman kumanta ng chorus nito. Nagkasama na ang dalawa sa kantang Alay.

Nilarawan ni Gloc-9 dito ang iba’t ibang kwento na gusto niya ilahad. Ang kwento ng isang artistang tulad niya kung paano siya nakagawa ng kanta, nagpursige sa kanyang karera, nagustuhan ng tao at napahanga ang mga ito. Tila isang tribute ito sa isang tinaguriang master rapper, ang pinakahaligi ng rap sa Pilipinas na si Francis Magalona. Si Francis M kasi ang lubos na nakatulong kay Gloc-9 na maging isang ganap na rap artist. Isang pagtanaw ng utang na loob? Hindi lang. Pagsunod sa yapak ng isang alamat? Hmm… Basta, astig lang ng kantang ito.

Kung napanood niyo ang kwento niya sa palabas na documentary ng GMA News na iWitness, malamang, napakinggan niyo ito kahit minsan at saglit lang dun.

Nakaka-LSS (Last Song Syndrome) lang siya para sa akin ngayon dahil sa totoo lang, ito ang mas gusto kong pakinggan na mga kanta. Hindi lang ang genre ng hip-hop, kundi ang mga kantang may matitinding mensahe sa buhay. Inspirasyonal pa nga ito kung maituturing, na parang kung bibigyan mo ng magandang kahulugan e para kang nakikipag-usap sa supreme being mo. Na ‘wag kang sumuko kahit sabihan ka pa ng tao na “bakit ka ba laging kasali?”

At kung mapapansin niyo ang ilang linya mula sa kantang ito na binanggit ko sa akda po na ito, mapapansin niyo na karamihan sa mga naka-CAPITALIZED at BOLD na mga salita ay mga kanta ni Kiko, at kung hindi man ay mga ilang mga linya sa mga ito. Parang kumbaga sa mga elemnto ng rap battle bars, ito ang tinatawag na reference – ang pagtukoy sa mga pangalan na pamilyar sa hip-hop o rap. (Kung tama nga ba ang pagkakaintindi ko ayon na rin sa pag-eksplika ng isang underground rapper sa kanyang Facebook notes) at wordplay, kung paano niya nilalaro ang salita na ayon sa kanyang kagustuhan at pagkakaayos.

Maliban pa diyan, parang may patama sa mga napapanahong mga pangyayari at mga tao  ang ilang mga kataga sa kantang ito kung pag-iisipan ng malaliman ito.

Agree ako sa sinabi ng isa sa mga online buddies ko sa Facebook, ang nasabing mga kataga dun ay ang pinakamagandang part eng kantang ito.

Nang dahil sa kantang ito, mas sumasaludo ako kay Gloc-9 para sa pagtaas ng bander ng rap sa Pinas. Maliban pa sa kanyang mga nagdaang album at kanta, tunay nga na maituturing na makata ito.



Author: slickmaster | © 2012 september twenty-eight productions