Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.
Showing posts with label No quality TV. Show all posts
Showing posts with label No quality TV. Show all posts

10 June 2013

No Quality TV

6/10/2013 11:29:03 AM

Papasadahan ko lang ang litratong ito.

https://www.facebook.com/pages/Pilipinas-Kong-Mahal/260869464047452

Ansabe naman?

“Nobody ever went broke underestimating the intelligence of the Filipino public.” The dumber the show, the higher the ratings. 

Sino nagsabi niyan? Ang isang komentarista at bokalista ng bandang Radioactive Sago Project na si Lourd de Veyra.

Bagay na tahasan kong sinasang-ayunan lalo na sa panahon ngayon. Wala nang tinatawag na “Quality TV.” Wala nang masyadong mga dekalibreng palabas na kasalukuyan. Tinalo na ng internet ang telebisyon pagdating sa larangan ng “kaalaman.” Wala na rin masyado ang mga palabas na huhubog sa iyong pakikialam o “awareness” sa mga kaganapan sa iyong bayan. Ang natira na lang ay ang mga tabloid at pocketbook sa ere. Tama, ang mga newscast ngayon na tila sobra pa ang pagbibigay ng emphasis sa mga police beat at ginagawang national item ang mga showbiz balita. Samahan mo pa ng paawa effect sa mga talent reality shows, ang sobra-sobrang promo na variety programs at ang jeskeng pamamayagpag ng mga teledrama. Parang silang mga restaurant ... as in “all-day breakfast” ang main dish nila.

Actually, ganyang-ganyan na ang karamihan sa mainstream, lalo na sa larangan ng entertainment.

Ano ang bagay-bagay na natutunan ng karamihan sa panahon ngayon?