11:53:26 PM | 7/1/2013 | Monday
3 years na pala ang nakalilipas. Ang bilis ng panahon no?
Parang kelan lang, nakatambay ako sa dorm ng barkada ko
habang nag-iisip kung ano ang gagawin namin sa thesis namin (na syempre, nauwi
sa isang munting inuman session ang lahat).
Akalain mo, 2013 na pala. Graduate na ako, may trabaho at
kasintahan, pero nananatiling pakealamero sa mga kaganapan sa bayan.
Pero, balik tayo sa 2010. Isang maambon na Miyerkules ng
umaga nun, nakatambay sa drom ng barkada-slash-thesismate ko sa Sampaloc noong
narinig ko ang putukan kahit ito’y mula pa sa Luneta. Oo nga pala, naalala ko –
pormal na seremonyas pala ng pagsisimula ng bagong administrasyon nya yun no?
Nanumpa ang kuya mong si Benigno Simeon Cojuango Aquino, mas
kilala bilang si “Noynoy” o (dahil pangulo na siya) President Noy. Simula na
nun ng kayang “tuwid na daan” na pamamalakad. At may mabibigat na salita pa
siyang binitawan.
Pero, may nangyari ba talaga?