Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.
Showing posts with label On A Personal Note. Show all posts
Showing posts with label On A Personal Note. Show all posts

31 December 2013

13 For 2013 – The Very Best

12/29/2013 11:25:28 AM

As the year 2013 comes to a close, and out of 358 posts made by yours truly, here are my thirteen posts that are... well, my personal favorite. I used to wonder though why should I do the culmination via this one. But anyway, the list is not based on how many hits do an article have. I repeat, it’s all my choice. Go it? Good.

21 December 2013

Reconnection Notice

12/20/2013 1:08:59 PM

It’s easy to say “best of luck” or “best wishes” when deep inside you’re hurt. It’s easy to be comedian when you feel the sorrow and pain. It’s not very difficult to say “goodbye,” when you really want to utter “please, stay with me (minus the displaying of Agnes’ eyes).” It’s like you can fake the world, but you can never ever deny your true self, isn't it?

01 November 2013

Ang Buhay Ay Weather-Weather Lang

10/27/2013 10:01:35 AM

Ika nga ni Kuya Kim Atienza (sa palagiang extro niya sa kanyang weather news segemnt sa TV Patrol), “sa bawat pagsubok ng panahon, laging tatandaan na ang buhay ay weather-weather lang.” Tama, weather-weather lang. Kanya-kanyang panahon ng pag-usbong, kanya-kanya ring panahon ng paglubog. Hindi nga lang ito tulad ng kasabihan na la ging iniuugnay sa mga bagay-bagay sa larangan ng pop culture na “easy come, easy go.” One minute ay buhay pa ang kasama mo, the next time around ay nasa morgue na siya o sa ataul. O baka maging kartero ka rin ni Douglas Ong kung sakaling pumalpak ang plano n'ya.

Sa nakalipas na mga minuto, oras, araw, gabi, linggo, buwan, taon, o kahit dekada, malamang... minsan siguro ay napataka ka na kung “bakit siya pa?” as in “bakit siya pa ang kailangang lumisan sa mundo nating kinagisnan?”; “Bakit hindi na lang ako, o siya (sabay turo sa mga masasamang damo tulad na lamang ng mga gahamang negisytante, ganid na pulitko, abusadong mamayan at kawatang haling ang bituka) ang dapat kunin ni Lord?” kasabay ito siyempre ng paghagulgol o mahaba-habang panahon ng pagkabalisa.

28 October 2013

Bakit Nga Ba Hindi Ka Pa Magsulat ng Libro?

7/24/2013 2:27:03 AM

Simula noong nagsulat ako sa aking mga blog, maramaing tanong ang bumulabog sa kaisipan ko. Maliban sa mga kritisimo ukol sa mga akda at punto ng mga sanayasay ng aking opinyon, ay tungkol sa direksyon ng buhay at karera ko naman ang mga tanong na ipinupukol sa akin.

At isa sa mga pinakatinatanong sa akin ay ito: “Bakit hindi ka pa magsulat ng libro?”

Oo nga naman, bakit nga ba hindi pa ko magsulat ng isang libro? Mantakin mo, mula noong 2010 ay mahigit 500 na ang mga artikulo mo sa sariling blog site. At nag-evolve na rin lang naman ang istilo ng pagsusulat mo, ‘di ba? At pakialam ba ng ibang tao na kini-criticize ang iyong gawa at pananaw sa usapin kung sadya namang against the flow ang tingin mo sa mga ‘yun, ‘di ba?

10 August 2013

The Perks of Losing Your Job.

7/29/2013 6:06:02 PM

Alam ko, hindi maganda ang dating nito sa inyo. Pero anong pake n’yo anyway? Kayo ba nagsulat? HA?! ‘De. Hindi naman sa ganun.

Kung tutuusin, isa ito sa mga pinakamasakit na pangyayari sa buhay ng sinuman, unless kung talagang trip mong umalis sa trabaho dahil: una, hindi ka na masaya; pangalawa, inaabuso ka ng mga nasa paligid mo; at pangatlo, karampot lang ang sinasahod mo; at pang-apat, iba pang personal na dahilan na ikaw na lamang ang nakaaalam.

Sa totoo lang, ang inyong lingkod ay nakaranas ng matinding depresyon magmula noong nagsara ang kumpanya na pinagtatrabahuan niya. Masakit nga naman. Wala kang kikitaing pera, wala kang pagga-galaan, dadagdag ka pa sa populasyon ng mga tambay sa ating bansa, makikipagsaparalan ka pa sa kalbaryo ng paghahanap ng trabaho, kukutyain ka na naman ng mga matapobre sa paligid, at kung anu-ano pang hindi magagandang bagay na posibleng maranasan mo.

Pero sa totoo lang, walang maidudulot na maganda kung maglulupasay ka sa sitwasyon mo. Walang maidudulot na maganda ang pighati, sakit ng ulo, luha at kung anuman. Magugutom ka lalo, mapaparanoid, baka nanaisin mo na lang na suntukin ang bakal na pader dyan. Kung hindi man, baka kumapit ka sa patalim, bagay na ayaw na ayaw ng konsensya mo.

26 July 2013

July Blues (A Personalized Rant)

7/25/2013 3:35:52 PM

Sometimes, all I wanna do is to rant. I may have done than when it comes to tackling the public issues, but I never much wrote about my personal life (‘coz in the first place, who am I to speak up? Aside from being one of the bloggers whom top authored the community blog site Definitely Filipino? Right?). That is something I have been keeping off. But sometimes, all I wanna do is to rant.

It’s been not a good month for me.

22 April 2013

4.13.2011


8:50:13 AM | 4/22/2013| Monday

April 13, 2011. Isang mainit na Miyerkules ng umaga ang sumalubong sa isang tulad ko na magtatapos na ng pag-aaral sa loob ng apat na taon sa kolehiyo, at labing-anim na taon mula noong unang tumuntong ako sa paaralan.

Isang masaya ngunit isa rin itong malungkot na araw para sa akin. Napagising ng maaga, maaganag inayusan nila ate at nanay, naks... pormado na naman si slickmaster. Ano ba meron? Commencement exercises lang naman.

16 March 2013

The #DUOValentines Experience.


02:04 PM | 03/15/2013

I’d like to go on a trip back to exactly a month ago. Well, at least… for the meantime.

It’s been a month since Valentine’s Day, right? And how about this wonderful treat made by Nestle Philippines for the social networking peeps out there? They picked random people from the Twitter universe, and treating them with sets of a valentine-themed ice cream that known as Nestle Drumstick DUO Valentines.

12 March 2013

Liham para kay “Inang.”


12:14 PM | 03/12/2013

Ang akdang ito ay iniaalay ng awtor sa kanyang lola na namayapa eksaktong sampung taon na ang nakalilipas mula nang isinulat ito ng may-akda.

Dear Inang…

Kumusta ka na? Pati na rin ang mga auntie at uncle ko po ‘dyan? Matagal na rin pala nang huli kitang nakita. Humihingi ako ng paumnahin dahil sa minsan na lang din kasi ako makadalaw sa iyon dala ng aking pagiging abala sa pag-aaral at paghahanap ng trabaho nun.

Ako po? Ito, sinusulat ang liham na ito bilang pag-alala ko po sa inyo. Kung tutuusin, marami na pong nagbago sa panahon na ito. Napinturahan na ulit ang bahay, nagkaroon ng sasakyan, may mga bagong tao na rin ating tirahan, nagkaroon ng mga alagang aso, at iba pa. At kahit may pinagdadaang aberya at problema, nagagawa pa rin naming tumawa at ngumiti.

Sila nanay at tatay naman ay kayod-kalabaw pa rin sa pagtatrabaho, pati na rin sila ate sa kani-kanilang mga larangan. Ang bunsong kapatid naman namin e magtatapos na rin po ng pag-aaral sa elementarya.

Bilis ng panahon no? Parang kelan lang… naalagaan n’yo pa po ako. Pinapaliguan, binibihisan (naalala ko pa nga ang mga salita mong “palitan na natin ang baro mo, apo.”). Nagagawa pa nating lumabas papunta kila Aling Julie at kumain ng Mami, uminom ng 7UP (at hindi ko na po siya iniispell) sa tindahan nila Daddy Boyet, at manood ng TV. Kayo po ang madalas kong kasama buong araw nun.

Nakakamiss lang. Namimiss na po kita.

02 February 2013

3 Things Why I Did Not Attend My Prom.


10:20 A.M. | 02/02/2013

Prom is so high school, just like the entire concept of romance. I never attended that once-in-a-lifetime highlight event of high school, as some people may proclaim.

And I never regret that either.

01 January 2013

First date.


12:49 p.m. 01/01/2013

Disclaimer: Isinulat ko ang akdang ito na may permiso mula sa babaeng naka-date ko nun. Pero pinili ko na hindi ilahad sa blog na ito ang litrato naming dalawa at ang tunay na pangalan niya bilang paggalang sa pagkakakilanlan niya.

Minsan, natutuklasan talaga ang pag-ibig sa first date. Wala nang ligaw-ligaw pa (anak ng pating, uso pa ba iyun?). Nasa uganayan lang yan kasi, bilang kapwa taong nagmamahalan at bilang kaibigan na rin kung magturingan.

27 December 2012

Inside the mind of a straight-forward guy.

Sa panahon na marami na ang abusadong nilalang sa kanilang mababait na kapwa, mga tulad ko na lang yata ang tanging makakatapat sa mga ito. Oo…

“’di bale nang masungit o suplado, kesa naman sa laging inaabuso o naaagrabyado.”

Parang mas okay pa ang maging prangkang nilalang, straightforward, maangas na kala mo ay isang siga kesa sa pagiging anghel palagi (yung tipong “hindi makabasag-pinggan” ba),  o kung sa mata ng mga romantiko e “gentleman,” at underdog ang effect. At by the way, hindi ito usapin ng pagkakaroon ng “pleasing personality,” ha? Iba yun.

Bakit kanyo? Simple lang.