“Paalala sa mga inaanak, HINDI PO KAMI NAGTATAE NG PERA AT
NG ANUMANG MATERYAL NA BAGAY. Mag-ipon kayo ng karunungan, mag-aral ng mabuti
at tigil-tigilan ang pakikipaglandian at ultimo ang pagiging ambisyosa’t
ambisyoso na maka-iskor ng mga bagay na tulad ng iPad at mamahaling cellphone
mula sa amin. Ang hirap na nga mamuhay, magpapaka-sosyal pa kayo d’yan!”
Una ko itong ipinaskil bilang isa sa aking hindi mabilang na
mga status sa Facebook. Pero itutuloy ko na ito bilang isa sa aking natatanging
blog post ngayon Pasko.
Hindi sa pambabasag ng trip o sa pagiging “scrooge”, ha? (kasi
malamang, kapos sa pag-unawa lang ang magsasabi ng mga yun) Alam ko, namuhay rin
ako sa panahon na nakakatanggap ako ng magagarbong laruan noong bata pa ako.
Ang pera, makukunsidera pa.