Kelangan bang ikumpara? Teka, maari bang rumespeto na lamang tayo sa kanila?
Ito ang problema. Hindi tayo marurunong gumalang sa paggalang sa mga taong namayapa na. Aba'y pagkumparahin ba naman ang pagkamatay ng isang aktor sa isang diplomatikong icon?
Ano ang ibig kong sabihin? Ito lang naman: ang pagkamatay ni Paul Walker, isang action star na tampok sa limang pelikula ng the Fast and the Furious, ay pinagluluksahan ng halos sinuman. Samantalang yung pagpanaw naman ni Nelson Mandela, dating presidente ng Timog Africa, ay pawang mga diplomat lang ang nakikidalamhati.