Showing posts with label Pera. Show all posts
Showing posts with label Pera. Show all posts

21 April 2014

Tirada Ni SlickMaster: $30M o Misa?

4/17/2014 2:43:58 PM

Isang pasada na naman sa maiinit na tirada kahit sa panahon pa ng Semana Santa (eh wala eh. Mainit ang panahon eh).

Nadismaya si Cardinal Tagle sa mga kabataan. At ang pinakadahilan? Pera.

Iba talaga pag nagagawa ng pera ano? Pero sandali, di pa tapos ang storya eh.

12 September 2013

Pwera Pera

09062013 | 0621PM

Pork barrel lang pala ang katapat n'yo e. Akala ko naman sa mga kontrobersiya sa showbiz lang ang specialty ng awareness n'yo. Kadalasan kasi ay sa mga ganung bagay lang nakikialam ang publiko, kaya wag mo masyadong asahan ang mga ito pagdating sa newscasts. Maliban siyempre, sa panahon (pag may bagyo), at laro sa sports kung saa'y nakasalalay ang ating national "pride."

Well, good sign na maituturing. Pero good nga ba?

Ano bang meron sa pork barrel at bakit ganun na lamang kataas ang interes ng publiko sa usapin ng pork barrel scam?

Pera. Oo, pera nga.

Nyai! Pera lang?

10 October 2012

Walang Pera.


Minsan ko napakinggan ito habang namamalengke sa Cruz na Daan sa bayan ng San Rafael, lalawigan ng Bulacan. “Masakit tanggapin ang katotohanan: Kung wala kang pera, wala ka ring kaibigan.” Chorus ng kantang “Kanto” ng Siakol, isa sa mga banda na gumawa ng marka sa rock music noong dekada ‘90.

Sa totoo lang, matinding patama ang nasabing linya. Sa panahon kasi ngayon, halos kahit sino ay nagkukumahog na makadiskarte para lang magkaroon ng salapi. At ang ilan, dumarating sa punto na manlalamang sa kapwa.

Ito kasi ang hirap e. Parang wala kang kapangyarihan kung wala kang pera. Hindi ka kilala ng mga kaibigan mo kapag wala kang pera. Buti sana kung may mga ilan dyan na galante na kaya kang sustentuhan sa kada pagkakataon na magkasama kayo, mula sa paggawa ng thesis hanggang sa gimik at inuman (Pasalamat na lang ako at nagkaroon ako ng mga ganun). Parang hindi ka ganap na tao, lalo na sa panahon ngayon na ang suweldo ay bihira lang tumaas pero ang presyo ng mga bilihin ay kadalasang tumataas. Hindi masarap ang buhay kung wala kang datong. Kung wala ka nito, mas kawawa ka pa yata sa pulubi.

Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.