Nang dahil sa isang kontrobersiya, napansin ng madla ang
isang hindi masyadong pansining bagay na kung tawagin ay “komiks.” Minsan ako
napapapdpad sa COMIC relief section ng Philippine Daily Inquirer at napapahalakhak
sa mga comic strip ni Pol Medina, Jr. na Pugad Baboy, isa sa mga magkahalong
satire at art na produkto ni Medina, halos tatlong dekada na ang nakalilipas.
Marami ang umalma sa pagkakasuspinde ng comic strip na Pugad
Baboy. Ayon kasi sa pahayagang the Philippine Daily Inquirer, hindi na raw nila
ilalathala sa naturang dyaryo ang nasabing comic strip, pagkatapos silang
birahin ng isang exclusive for-girls na eskwehan dahil sa aniya isang
kontrobersiyal na episode hinggil sa pagiging lesbian. Aniya, tinawag rin niya
na ”hipokrito” ang mga Katoliko.
http://gerry.alanguilan.com/ |
Pero ang isa pang nakababahalang pahayag di umano na galing
sa kay Medina na “I smell a conPIGracy.”