Akma rin pala dito ang “Pilipinas Got Singing Talent?!” bilang
pamagat sa blog post na ito.
Sa nakalipas na tatlong na season, ang mga kampeon sa palatuntunang
Pilipinas Got Talent ay pawiang mga mang-aawit. At sa pagtatapos ng ika-apat na
season nito, isa na namang singer ang naging grand winner nila.
Kasama na sa hanay nila Jovit Baldivino, Marcelito Pomoy,at ang
Maasinhon Trio, ang winner ng season 4 na si Roel Manlangit. So, ibig sabihin
ay tatlo sa apat na singing champs ng PGT ay mga soloista.
Pero teka lang, singer na naman ang nanalo?! At soloist na
naman ulit?! Naku, sa ikalawa (o baka pa nga ay ikatlo pa) nang sunod na
pagkakataon sa kasaysayan ng 4 na season finale ng Pilipinas Got Talent,
nabatikos na naman ang naturang palabas dahil sa outcome o resulta ng mga
nanalo.