Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.
Showing posts with label Pork barrel. Show all posts
Showing posts with label Pork barrel. Show all posts

18 July 2014

Unconstitutional?!

7/15/2014 10:50:29 PM

Ayan na. Lumabas na ang desisyon ng Korte Suprema; aniya, “unconstitutional” daw ang Disbursement Acceleration Program fund o sa madaling sabi, ang DAP. At 13-0 yan, isang bonggang-bonggang unanimous decision, na kala mo ay sa mga laban sa UFC at boxing mo lang maririnig ang katagang yan.

O tapos, ano na? Unconstitutional pala yan eh!

13 May 2014

Ang Mahiwagang Listahan

5/13/2014 7:04:09 AM

(Speaking of which, as of time na pinublish ko ito ay lumabas ang kontrobersyal na listahan.)

Ang mahiwagang listahan. Bow.

(Photo credits: Christian Esguerra/Twitter)
Pero hindi ito tula, ni hindi isang episode ng paborito kong palabas na anime na si Doraemon, kundi isa itong tirada (malamang! Dahil ano pa bang aasahan n’yo sa akin, ‘di ba?). Mula sa mga spekulasyon ng posibleng pagiging state witness daw, ngayon ay may listahan na siya. Aba, daig pa nya ang mga tindero at tindera, ano?

26 November 2013

Wala Na Ang PDAF. Eh Ano Ngayon?

11/24/2013 2:08:36 AM

Wala na raw ang PDAF? Ows?! Weh, hindi nga? Maniwala kayo d'yan?! 


Ni-rule out kasi ng Korte Suprema na “unconstitutional” di umano ang pork barrel. Ganon?


OO, pati nga sa Senado ay tinanggal na rin ang PDAF para sa susunod na taon.


Ang tanong… ano naman ang mangyayari sa ating bayan niyan?

06 November 2013

Porky Bits

11/5/2013 8:28:31 PM

Haharap si Janet Napoles sa darating na Huwebes. Ang tanong, magsasabi ba s’ya ng totoo? May malalaking pasabog bang magaganap? Pasabog na mas matindi pa sa 32 atomic bomb na ibinagsak sa lungsod ng Hiroshima sa Japan noong World War II (at anong konek nito? Yun daw kasi ang katumbas ng lakas ng magnitude 7.2 na lindol na gumulantang sa Carmen, Bohol at sa malaking bahagi ng Central Visayas noong isang buwan eh)?

25 August 2013

Suntok Sa Buwan

8/25/2013 10:46:44 AM

Abolish pork barrel? 

Nah, sa totoo lang, isa rin ako sa mga sumusuporta sa adhikaing ito ng mga netizens sa internet. Aba, ikaw ba naman ang maging kabilang sa kommunidad ng mga taxpayers ng lipunan (at mantakin mo na kahit bata pa na may binibiling pagkain sa tindahan ay maaring kabilang din dun), tapos malalaman mo na lang na ang binayad mo ay napunta lang sa bulsa ng mga gahaman?


Kaya sa lang, sa totoo lang, (reality bites ba), ang pagbuwag sa tinatawag nating pork barrel na may mabangong pangalan bilang “Priority Development Assistance Fund” (o kung magbabalik-tanaw tayo sa pagbabago ng lipunan, “Countrywide Development Fund.”) ay isang malaking suntok sa buwan.

Oo, napakalabong mangyari ke agaran man o long-term ang solusyon. Bakit ko nasasabi ang mga ‘to? Maraming dahilan, mga tol.