Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.
Showing posts with label Pugad Baboy. Show all posts
Showing posts with label Pugad Baboy. Show all posts

21 January 2014

10 Worthless Stories of 2013

1/21/2014 12:55:26 PM

Sa dinami-dami ng mga balita noong nakaraang taon, hindi rin makakaila na mayroon ding naglipanang mga walang kwentang kwento na nauso pa sa sirkulasyon ng ating media.

Una kong inanusyo sa Facebook ang mga nakalistang ‘wa kents’ na balita bago pa matapos ang 2013. Pero dahil sa pabago-bago ang listahan, may mga pagbabagao akong sinuri nbago ako mag-come up sa pag-paskil nito (kaya actually, yun din ang dahilan kung bakit na-late ako ng matindi sa paggagawa nito).

Bakit nga ba sila nakakairita sa mata ng publiko? At bakit pa naging parte sila ng kasaysayan ng mga newscast at news feed sa Facebook at Twitter? Ayon sa aking propesor sa isang major subject, ang balita ay dapat naglalaman ng “prominence.” Kaya kahit magtaka at magreklamo ka pa ng bonggang-bongga, hindi kasi makakaila na ang karamihan sa listahn na ito ay naglalaman ng mga prominenteng pangalan, personalidad man o material na bagay.

Pero kung hindi mo mapigilan ang emosyon mo… problema mo na ‘yun (wag kasing pairalin yan na parang nagrereact ka sa Facebook kahit hindi mo pa nababasa ng buo ang isang post). Anyway, narito ang sampung over-rated-pero wala naman talagang substansiyang balita noong 2013.

07 June 2013

Why Sorry At The Height Of The ConsPIGracy?

2:06:28 PM | 6/7/2013 | Friday

Nang dahil sa isang kontrobersiya, napansin ng madla ang isang hindi masyadong pansining bagay na kung tawagin ay “komiks.” Minsan ako napapapdpad sa COMIC relief section ng Philippine Daily Inquirer at napapahalakhak sa mga comic strip ni Pol Medina, Jr. na Pugad Baboy, isa sa mga magkahalong satire at art na produkto ni Medina, halos tatlong dekada na ang nakalilipas.

Marami ang umalma sa pagkakasuspinde ng comic strip na Pugad Baboy. Ayon kasi sa pahayagang the Philippine Daily Inquirer, hindi na raw nila ilalathala sa naturang dyaryo ang nasabing comic strip, pagkatapos silang birahin ng isang exclusive for-girls na eskwehan dahil sa aniya isang kontrobersiyal na episode hinggil sa pagiging lesbian. Aniya, tinawag rin niya na ”hipokrito” ang mga Katoliko.
http://gerry.alanguilan.com/

Pero ang isa pang nakababahalang pahayag di umano na galing sa kay Medina na “I smell a conPIGracy.”