Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.
Showing posts with label Ramon Bautista. Show all posts
Showing posts with label Ramon Bautista. Show all posts

09 December 2015

Sellout Daw?

12/8/2015 9:29:48 PM

Maraming naburyo nung pinili ni Ramon Bautista na endorsohin ang kandidato sa pagkapangulo na si Mar Roxas.

Anak ng pating? Pagkatapos niyang gawang katatawanan ang pagpi-fist bump ni Mar nun sa palabas nila sa Internet na KONTRABANDO? Ganun na lang yun?

07 September 2014

Peace!

09/01/14 07:23:10 PM

At last, peace na sila. Sino? Yung dalawang nagkabanggan nang dahil sa isang biro. Isang biro na naging ugat ng kontrobersiya na nagdulot sa pagbasang sa kanya bilang persona non grata,

Tama, sila Ramon Bautista at Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

instagram.com/ramonbautista

Sino ang naghudyat nito? Si Gang Badoy, ang founder ng Rock Ed Philippines. Ibinalita nya sa kanyang Facebook account ang mga nangyari.

23 August 2014

Pikunang Non Grata

PATALASTAS: Para sa mga nadirect mula sa "Mga boss, pa-extend po!" Paumanhin kung nadala kayo sa maling link. Mababasa po ang naturang artikulo sa link na ito: http://theslickmastersfiles.blogspot.com/2014/08/mga-boss-pa-extend-po.html

***

08/22/2014 02:11:43 PM

Akalain mo, na-headline pa pala si Ramon Bautista noong nakaraang linggo? Nang dahil sa isang biro, dahil sa isang hipon, ay na-ban siya sa Davao. Ayan, na-persona non grata si Pogi.

What? Dahil lang sa isang biro, naging persona non grata siya? Tanginang kababawan yan oh.

Oo, alam ko, at nakakaurat lang. Ang babaw lang ng isyung 'to.

Ah, mababaw pala ha? Yan ang akala mo. Pero ano nga ba ang basehan nila kung bakit nabadtrip ang taga-Davao sa kanya?

(The video was already taken down by the user)

Ahh, ito pala. Ang dami raw kasing "hipon" sa Davao.

27 November 2012

Inside The Pages: Ramon Bautista’s "Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo?"

11/27/2012 10:08 AM

balat14.blogspot.com
Isa sa mga bagong libro na panay magkahalong komikal at realidad ang tema ay ang isang babasahin na may kinalaman sa… well, payo sa buhay lalo na sa mga suliranin sa pag-ibig. Ang akda ni Ramon Bautista na Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo?

Well, matanong talaga ang librong ito. As in maraming tanong at sagot ang tinalakay dito mula sa kung bakit hindi ka crush ng crush mo (oo, yung eksaktong pamagat mismo); kung paano mo sasabihin sa magulang mo na bagsak ka sa studies mo; bakit ayaw na ayaw ni Monra ang LDR o kung tawagin ay Long Distance Relationship; kung bakit ka dapat maging proud kahit NBSB (o No Boyfriend Since Birth) ka; paano magmumove on sa mga sitwasyon na may nahuli ka na may ka-kerngkeng siya na iba o kahit ultimo ang na-friendzone ka; at kung anu-ano pa.

Ang halos lahat ng nilalaman ng librong “Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo?” ay ang mga bagay-bagay na nakapaloob sa formspring account ni Ramon Bautista mismo. Tanong ng kung sinu-sino, sinasagot niya sa paraan na alam niya, ke may natutunan ang sinumang magbabasa niyan o katuwaan lamang.

Dito mo rin makikita ang komprehensibong kahulugan ng mga terminong ginagamit ni RB sa kanyang palabas sa internet na “Tales From The Friend Zone.” Kung ano ang mga pananaw niya na nais ilahad sa sinumang magbabasa ng librong ito.

Maliban pa diyan ay may notebook pa ito na libre.

24 November 2012

Friendzone

11/24/2012 12:44 AM 

Friendzone. 


Isa sa mga nausong salita ngayong taon. Una itong lumabas sa palabas ng MTV, pero mas pumatok ito sa mga Pinoy noong ipinakilala ito sa lengwaheng local ni Ramon Bautista.

www.mtv.com
Teka, bakit nga ba naging minsan ay trending ito? At ano ba ang ibig sabihin nito?