Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.
Showing posts with label Random Trip Lang.. Show all posts
Showing posts with label Random Trip Lang.. Show all posts

16 March 2013

Alala ng AFTER HOURS.


07:53 PM | 03/15/2013

After Hours, ang programa nun sa isang network na kung  tawagin ay MTV Philippines. Sobrang ayos lang niya kasi para siya yung “non-stop music” nun e.  Walang VJ na nagiintroduce ng mga video (o umeepal kung bad trip ka sa kanila), just the music videos lang ang umeere. Madalas ‘to nun umeere pag alas-tres (o alas-dos yata) hanggang alas-sais ng umaga.

Hindi ko alam kung bakit ko siya nakahiligan e. Parang yung feeling lang na sarap magsoundtrip habang bumibiyahe ka o sadayng nagchi-chillax lang sa lugar na iyong kinatitirikan.

Ang alam ko lang nun e mahihilig ako manood ng mga music video nun, pampalipas-oras  ko lang sa madaling-araw pag nagigising ako. Halo-halo lang yun, mula sa mga foreign pop at mga OPM. Yun pa ang panahon na astig pa ang mainstream at yun pa ang tila huling hurrah ng MTV sa Pilipinas.

Going Gaga Over Logo Quiz

07:12 PM |03/15/2013

Sobrang obsessed lang ako sa ganitong laro, magmula noong una akong nakahwak ng Samsung Galaxy noon. Pero as in hawak lang, parang one-time na pinahiram lang.

Wika ko sa ate ko, “Tol, pahiram nga.” (sabay tingin sa mga widget at nakita ang Logo Quiz na application)
Hmmm... Ma-try nga. Hanggang sa masagot ko ang isang logo, hanggang sa isang logo, hanggang sa isang logo, hanggang sa isa na namang logo.

14 March 2013

Throwback: Betamax Sandwich Music Video


11:56 AM | 03/14/2013


(video: Sandwich - Betamas Music Video. URL: http://www.youtube.com/user/elementN27?feature=watch)

Ito ang nakakamiss sa pagiging bata. Playback tayo sa taong 2008, noong binuo ng banda ni Raimund Marasigan ang kantang nagpapaalala sa  atin ng mga alaala noong tayo’y bata pa.

Nagsilibing tributo ang kantang Betamax ng bandang Sandwich sa iba’t ibang artista sa iba’t ibang genre ng early contemporary music sa Pilipinas. Kung mapapakinggan mo ‘to ng ilang beses o mababasa mo ang lyrics nito na nakakalat lang sa internet (siyempre, i-google mo na lang yan, ‘tol), nabanggit dito ang mga pamagat ng kanta at mga pangalan na tila alamat na sa industriya ng OPM sa nakalipas na apat na dekada, kasama ang Woodstock, OPM rock, rap, disco pop, romantic ballad, mainstream pop at iba pa.

07 March 2013

Chicks ang isang broadcaster kapag...

11:50 PM | 03/07/2013

Ito ang napala ko sa kakatingin sa ilang mga memorabilia sa dekada ’80. Akalain mo, ang mga seryosong personalidad sa paghahatid ng balita, mga mala-beauty queen din pala nun? Tulad ng napanood ko na isang episode ng Goin’ Bananas (na umere sa Studio 23 noong Huwebes ng tanghali bilang parte ng Tawa Way Zone ng Jeepney TV timeslot) na kung saan ay tampok na guest nun ang mga babaeng anchor ng TV Patrol na si Angelique Lazo at Korina Sanchez.

At kung ihahambing mo ito sa kaasalukuyan, hindi mo mahahalata sa mga ‘to ang itsura nila tulad nooong isang commercial ng dating TV news personality ngayo’y senador Loren Legrada. Aba.
Kung panahon kasi ngayon ang pagbabasehan, halos wala kang makikilalalang news anchor na nasa late 20s pa lang. Madalas mo na lang mapapansin ang mga tsikas sa news department kapag reporter ito sa samu’t saring mga beat.

Kaya ito lang ang aking napagtanto, ang mga senyales na chicks ang isang broadcaster sa TV. Kapag...