7/19/2013 12:31:12 PM Friday
Ops, hindi ito yung palabas ni Jessica Soho sa News Channel ng Siyete ha? State Of the Nation naman yun e, kayo talaga oh.
Pero, State of The Nation Address na naman. OO, in short, SONA na nga ulit ngayong taon. Kadalasan ay sa t’wing ikatlong Lunes ng Hulyo ito nagaganap. Dinadaluhan ito ng mga mambabatas o miyembro ng lehislatura mula sa mataas (Senado) at mababang kapulingan (Kongreso), mga miyembro ng gabinete at piling kawani at iba’t ibang ahensya ng gobyerno, at pati na rin ng publiko in general.
Ang SONA ay isang mahalagang event kada taon, dahil dito nag-uulat ang pinuno ng ating estado (which is yung ating Pangulo). Sa naturang pagkakataon ay nagbibigay siya ng talumpati sa mga anumang kaganapan sa ating bansa sa nakalipas na 12 buwan. Dito rin siya nag-aadress ng mga posibleng plano at platapormang ipapatupad sa mga susunod na buwan, o taon, habang siya ay nasa panunugkulan.
Pero, may bago pa nga ba sa SONA? O may mababago pa ba sa darating na SONA? Oo, State of the Nation Address na naman! Eh kaso, ano naman ngayon?