12:31 PM |
03/06/2013
Ika nga ng
kasabihan, “Ang lalakas ng taong manghusga, pero bulag naman sila sa sarili
nilang kamalian.”
Grabe lang
ano?
Oo nga, ang
lalakas nilang manghusga. So sobrang tindi lang nila, hindi na tatalab sa
kanila ang kasabihang “Don’t judge the book by its cover.” Sabagay, Dahil mga
tao nga naman sila at hindi sila libro. Kung makapanumbat ng salita sa kanilang
kapwa, akala mo siya lang ang anak ng Diyos, siya lang ang itinalagang sugo ng
kani-kanilang mga anito, mga tao kung tawagin ay “prodigal son” kuno. Mga
perpektong nilalang bang maituturing? Ewan.
Ito siguro
ang mahirap sa mga taong hindi makontrol ang kanilang mga bunganga porket Malaya
silang nakakapagsalita o ni maglahad sa papel o internet.
Mga taong
dinaig pa ang mga komedyante (straight man o bading) kung manlait. Mga tao kung
makapuna dinaig pa ang mga kritiko. Mga kung akala mo ay mga husgado, hukom o
ni mahistrado sa Korte Suprema kung makapagbigay ng hatol. Mga taong ang
lalakas manghusga...