Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.
Showing posts with label Stanley Chi. Show all posts
Showing posts with label Stanley Chi. Show all posts

02 December 2016

The Scene Around: Stanley Chi Pogi Points Book Launch (2012)

12/01/2016 11:31:45 PM

Photographed by Dennyl B. Venzon; obtained at Stanley Chi's Facebook page.
Talk about a holiday flashback. We go back to four years ago. It was the first of December 2012 at the branch of National Book Store in Shangri-la Mall in Mandaluyong City as Stanley Chi launched his book that set himself apart from being the Suplado guy we know.

25 August 2015

The Scene Around: One Night Stan


08/20/2015 05:21:04 PM 


It's been almost two years since I once dropped by at a book signing event of this guy known as Stanley Chi. His series of Suplado Tips and Pogi Points somehow tipped me enough on how to be drastically snob when needed, and to be gentle to the ladies at important times.

11 February 2013

How SUPLADO TIPS Changed My Life

07:37 PM | 02/11/2013

Ang blog na ito ay naglalaman ng mga patawa na nakalakip sa mga matitinding mga pangungusap at salita. Ang magseseryoso ng sobra-sobra sa blog na ito... tanga!

Hindi ako fan ni Stanley Chi dati. In fact, naisip ko nun na “sino ba ‘tong Tsinoy na ‘to?” Suplado ba masyado ang dating? Maari, kung pagbabasehan mo ang statement na iyan (pero utang-sa-boundary, magbasa ka naman muna bago manghusga no!) Una, noong naispatan ko siya sa event ni Ramon Bautista, at salamat sa tropa ko na may halos sing-interes ng utak na tulad sa akin at nalaman ko na “ahh, siya pala yun.” Nakakatawa nga e, noong una ko siyang napansin e suplado pose din ang pictorial peg niya kasama ang sandamukal na mga lalake at nag-iisang babae na nakatingin lang sa camera nun.

Hanggang sa napansin ko ang libro niyang SUPLADO TIPS.


26 December 2012

How POGI POINTS Changed My Life

12/25/2012 07:00 PM

(Alternate title: "Book Review: Stanley Chi's POGI POINTS the not-so-gentleman’s guide to looking good")

DISCLAIMER: This blog is not directly promoting the book of Stanley Chi which is entitled POGI POINTS the not-so-gentleman’s guide to looking good. The write-up actually is just a way of expressing the author’s great (as in super great) impact infused and influenced by the said book, just as similar to those “testimonial” remarks on advertisements and commercials.

Aminado ako na lately lang ako nahilig sa pagbabasa ng libro, at ang kadalsang tema na trip ko ay ang mga may halong kwela at may kaatorya-toryang mga nilalaman (o kung tawagin ay ang “may sense”), mula sa mga maiinit na pahayg ni Lourd de Veyra hanggang sa mga pagsagot ni Ramon Bautista sa mga tanong sa kanyang Formspring.

Ni hindi ko nga alam kung sino ba itong si Stanley Chi na ito e hanggang sa minsan napa-akyat ako sa stage sa isang book launch ni Ramon Bautista para sa isang patimpalak nun na sad to say e nanalo ako (pero siyempre, joke lang yun),

Hanggang sa inanunsyo niya pagkatapos ng event nay un na may book launch siya, at ang kanyang pinakalatest na akda? Ay ang POGI POINTS.

Teka, ano nga ba itong POGI POINTS na ito?

02 December 2012

IGMG.


Hindi sa pagiging suplado at perfectionista ha?

Sa panahon ngayon na nag-uumapaw na ang mga bagay na nagbibigay kaalaman sa halos bawat tao, wala na yata tayong excuse na maging mangmang o ignorante pa. Halos accessible na kasi para sa sinuman ang internet, napadali na ang mga gawain natin sa buhay nang dahil dito lalo na sa panahon na kailangan mong pag-aralan ang iilang mga bagay-bagay, mula sa makalumang desktop hanggang sa mga magagarbong laptop, at ultimo sa isa sa mga paboritong hawakan ng tao – ang cellphone, pwede ka nang mag-internet.

Maliban sa mga nabanggit, andyan pa rin ang mga diksyunaryo, iba’t ibang klase ng libro, plaka (o CDs), Encarta kung uso pa ba iyan sa PC mo, at iba pa.

Kaya ano pa ang excuse mo para magtanong at magtanong ng mga… well, tanong? Lalo na kung…

Una, andun na yung sagot? (maliban na lang kung mahina ang kukote mo pagdating sa pag-intindi)

Pangalawa, kung ayaw mong maniwala sa mga sagot ng kausap mo?

At pangatlo, kung tamad ka na mag-search sa internet? Oo nga naman, ano. May Yahoo! na nga, Google, ASK.com, Wikipedia, at kung anu-ano pa ang mga website na pwedeng makasagot sa mga tanong na nakapaloob sa mga takdang-aralin mo. (Wag kasi atupagin ang social networking at pornography web sites kung dapat may mahalaga ka pang gagawin.)