12: 53 PM |
03/08/2013
“Is the
Philippine comedy dead?”
Yan ang isang
tanong na pumasok sa isipan ko matapos ko mapansin ang ganitong bagay. Una,
panay romantic bullshits na ang umeere sa primetime slots. At pangalawa,
masyado nang madrama at nega ang karamihan, dala ng pagtutok sa TV (siyempre,
naiimpluwesyahan e lalo na kapag either nakakarelate sila o no choice dahil yun
lang ang matinong reception). Karagdagan na lamang na dahilan ang pagpanaw ng
mga alamat sa industriya ng pagpapatawa sa telebisyon tulad nila Palito,
Redford White ang Hari na si Dolphy, at iba pa.
Kasabay
kasi ng pag-usbong ng mga romantikong telenovela at teleseryeng may pantasya
ang tema ay ang tila pagkamatay ng mga sitcoms. Kung dati panay gabi-gabi mo
sila nakikita, ngayon ay weekend na lang sila nagpapakita sa ere. Kung dati
nasa lugar ang pagiging wholesome, ngayon alaws na. Kung dati, may mapapanood
ka na may pahapyaw na kumento sa isyung napapanahon, ngayon sa balita ka na
lang makakakuha. At kung dati ang titindi ng patawa, ngayon panay mas mababaw
pa sa pamimilosopo at slapstick na ang napapansing taktika.
Kaya
minsan, ito pa ang karagdagang tanong ko. “Bakit dapat ibalik ang mga situational
comedy programs sa primetime?” at ito rin ang mga sagot ko.