Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.
Showing posts with label Tales From the City Lights. Show all posts
Showing posts with label Tales From the City Lights. Show all posts

26 October 2013

Tales From The City Lights: Sleepless Nights at Eastwood City – Free Concert.

9:58:29 AM | 4/29/2013 | Monday

Para sa isang maralitang mamayan na tulad ko, ang musika ang aking tanging libangan. Ang problema lang, kung wala kang datong, hindi ka rin makakabili ng album at ang tanigng sandigan mo lamang ay ang radyo. E paano kung hindi naman lahat ng kanta ay ineere sa radyo o pineperfrom sa TV? Sa conert lang yata ang natitirang pag-asa. E paano kung mas mahal pa sa isang linggong pagkain mo ang ticket para lang makapanood ng concert? Hahanap ka ng libre o at least, mas cheap, ‘di ba?

Ang mga lugar na tulad ng Eastwood City ay madalas na nagsisilbing libangan ng iilang mga music lovers para makapanood ng libreng concert. Bagay na minsan ay tinatambayan ng inyong lingkod kasama ng ilang mga nakatatandang kamag-anak.

26 February 2013

Tales From the City Lights: Sleepless nights at Eastwood City – 1: Graveyard shift.


04:09 AM | 02/26/2013

Babala: hindi ko nilalahad sa blog na ito ang pangakalahatan ng lifestyle ng mga nagtatrabaho sa graveyard shift. Dahil una, magkakaiba kami ng trabaho; Pangalawa, iba-iba kami ng kumpanyang sineserbisyuhan; Pangatlo, magkakaiba kami ng oras kahit pareho kaming nasa graveyard shift; at pang-apat,  magkakaiba ang aming mga pagkatao. At panglima, kung hinuhusgahan mo kami masyado, nagkakamali ka sa inaakala mo – TANGA ka lang talaga.

Lunes ng gabi, panibagong linggo para maghanap-buhay at ito na ang hudyat ng panibagong oras sa aking pagtatrabaho – ang graveyard shift. Sa totoo lang, sanay na ako sa puyatan bagamat aminado ako na sa malamang e mag-aadjust pa rin ako sa gusto ko at sa mas gugustuhin ko.