4:36:29 AM | 5/25/2013 | Saturday
Naalala ko ang isa sa mga recent episodes
ng palabas na Rescue. Ilan sa mga lalawigan sa Luzon ,
ang Ilocos Sur at Tarlac ay minsan nang binulabog ng isang “buhawi.” Bagamat sa
kabutihang palaad ay walang buhay na nawala, sinira naman nito ang ilang
ari-arian at hanapbuhay. Nag-iwan pa rin ng matinding pinsala at trauma para sa
karamihan na ang hanap buhay ay nasa bukirin ng mga probinsya.
Napakabihira para sa isang tropical na
bansa na tulad ng Pilipinas ang maranasan ang isang malagim na kalamidad na
kung tawagin ay buhawi. Kung magkaroon man, tiyak na hindi ito singlakas ng mga
tornado o twister sa mga bansa sa kanlurang hemisphere tulad ng Estados Unidos.
And speaking of which, mas nagiging evident yata ang balita ukol sa buhawi
kapag ito’y parte ng sirkulasyon abroad, tulad ng nangyari sa Oklahoma nitong nakaraang araw lamang.