05/09/2024 11:38:54 AM
Mas masaya – at kung minsan talaga ay masakit na rin – pag may Tanya Markova.
Sa halos walong taon na sinubaybayan ko ang bandang ito, napatunayan nila na ang kakayahan nilang sumabay sa agos ng panahon sa laranagan ng pop music. Hindi naman obvious na iba-iba ang tunog ng mga kanta nila sa kada rekord na nagagawa nila, no, mula sa 'shock pop' era ng self-titled album nila hanggang sa mas synth pop na dominante na Mister Tililing... hanggang sa puro melodramatic at hugot na lyrics ng Mga Awitin Ng Normal Na Tao.