Yan ang patunay sa isang kasabihan na “lahat ng sobra ay
nakakasama na.” Oo, kahit sa lebel ng mga gusali’t iba pang imprastraktura ang
usapan.
Ewan ko lang ha. Pero sa panahon na umuusbong ang kaliwa’t
kanang mga proyekto sa Kamaynilaan, mapa-skyscraper man o flyover, parang
luamala din ang epekto ng kalamidad ditto. As in, nag level-up din ba, baagy na
talaga naming hindi maganda. Nagsulputan na parang kabute ang mga gusali na
nilaan apra gawing mga unit ng condo, nagkaroon din ng mga magagandang
alternatibong ruta para kahit papaano ay maibsan ang nakakabadtrip na heavy
traffic. Pero dahil sa mga tulad ni Ondoy noong 2009 at noong Agosto, ang isang
simpleng sama ng panahon na kung tawagin ay Habagat, tila na-negate nito ang
mga pagusbong ng mukha sa Metro Manila .
Saklap.
Kaya minsa, naisip ko, deklikado nga pala ang pagiging labis
na developed ang isang lugar. Sabagay, sa nasabing termino nga naman na
“labis,” e matik na masama na rin e, kahit gaano pa kaganda ang layunin.