01:57 PM | 02/22/2013
Sa araw-araw na lang na ginawa ng Diyos at sa gabi-gabing
umiikot ang mundo, ito na lang palagai ang isa sa mga nilalaman ng mga balita:
Ang dramatikang eksena sa pamumulitika, bow.
Si Senador Juan, tinira ni Senador Maria. Sa kabilang banda,
nagkaroon ng resbakan at kampihan sa kani-kanilang panig mula sa hanay ng mga
Kongresista hanggang sa mga Gabinete. At ano ang pinag-aawayan? Mula sa mga pondo
sa proyektong di matapos-tapos kahit ang kontrata’y nagkakaupos na sa
pagkakapaso, hanggang sa mga walang kakwenta-kwentang bagay tulad ng mga isyu
na labas na sa mga argumentong tinatalakay, hanggang sa mas lalong personal na sumbatan,
bangayan, trashtalk, laglagan sa partido, lipatan ng kampo, at iba pa.
Kaya tuloy ang dating e hindi masyadong magaling sa
pakikipagtalo ang iilang mga pulitiko. Parang mga ewan lang, kaya tuloy ang mga
mamamayan na tumututok sa TV e mas pipiliin pa na manood ng mga telenobela
(kahit na mas bullshit pa rin siya sa pananaw ko). Ke “pare-pareho lang naman
sila d’yan e.” O hindi naman kaya ay “asus, eksena lang ang mga yan! Para may
mapag-usapan na naman!” O kung anu-ano pa.
Pero sino ba ang dapat sisihin sa mga ganitong kaganapan sa
pamahalaan?