Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.
Showing posts with label aftermath. Show all posts
Showing posts with label aftermath. Show all posts

16 May 2016

Electoral Aftermath (Back to Reality)

05/14/2016 10:20:51 AM

O, ayan, tapos na ang araw na kinapananabikan natin. Minsan laang mangyari sa tatlo at anim na taon ito, kaya sino ba naman ang hindi makapagpiligil na bumira mula sa kanilang hanging-lamang isip at bugso ng damdamin, 'di ba? 

Tapos na ang araw kung saan bawat isa sa atin (as long as rehistrado tayo para sa proseso na ito) ay pipili ng ihahalal natin sa pamahalaan. Tapos na ang panahon na halos bawat sin sa atin ay may sey sa isyu ng pamumulitika sa bansa. Tapos na rin ang panahon na pumanig tayo sa kung sinu-sino na para bang dating slogan ng PBA. (Sa'n ka? Kampihan na!)

In short, tapos na ang eleksyon.

Ngayon, ano na?! Tapos na rin ba talaga tayo na para bang relasyong romansa espesyal o summer love? Or summer job?

12 November 2013

Just My Opinion: Blaming Game?

11/11/2013 8:59:53 PM

Hindi ko ma-gets ‘to. Bakit kelangan pang manisi ng kuya natin?

Hindi na bago ang paninisi ni Pangulong Aquiono sa halos alinmang collapse na nagaganap sa bansa sa nakalipas na tatlong taon. Sablay ang pag-predict ang panahon? Sinisi ang PAGASA. Pag may katiwaliang naeexposed, sinisisi ang nakaraang administasyon. Kapag may taong loko-loko sa hanay niya, ni hindi yata magawa ang manisi. Pero kahit sa supernatural na kalamidad na tulad ng Typhoon Yolanda? Sinisisi ang pamahalaan ng Tacloban – yan ay sa kabila ng pagiging maagap naman ng mga gobyerno ng mga komunidad sa paghanda sa naturang bagyo.

Pero bakit kelangan ba niyang manisi? Dahil ba nag-hoard din ba sila ng mga relief goods? Nangurakot din ba sila tulad ng ilang mga negosyante at congressman?