8/10/2014 11:29:50 PM
Hindi ako fan ng
librong ito. At kung sakali man na ipalabas rin ito sa Pilipinas, ay hindi ko
rin ito mapanood (dahil malamang, hindi rin naman ako interesado). Pero para i-ban ang
movie adaptation ng librong 50 Shades of Grey sa Pilipinas? Teka, malaking
kalokohan yata ‘to ah.
Nagsulat ng liham ang
Catholic Bishops Conference of the Philippines sa Movie and Television Review
and Classification Board (MTRCB) na
naglalayong i-ban ang naturang pelikula sa bansa. Nakatakdang ipalabas ang 50
Shades of Grey sa darating na Valentines Day sa 2015.
Ganun ba? Oo, ganun
nga.