10:20:34 AM
| 4/7/2013 | Sunday
Babala: Hindi po ito true story.
Isang
sitwasyon ang aking napuna habang ako’y nasa gitna ng byahe nun. Nasa isang
kalye sa lungsod ng
Pasig ang aking binabaybay na dyip, nang may mga grupo ng
mga bata (as in wala pa sa wastong edad) ang sumasabit sa mga pampasaherong
dyip. Malalakas ba loob nila? Maari, dahil hindi nila alam ang panganib na
kayang idulot ng pagsabit. Napasigaw na ang drayber lahat-lahat para babalaan
ang mga bata na bumaba sa kanyang sasakyan, pero hindi ito pinakinggan ng mga
musmos na pasaway.
Hanggang sa
isang saglit matapos ang kanyang matiwasay na pagpapatakbo (as in sakto lang),
napapreno bigla ang dyip at sa hindi inaasahang pagkakataon, nahulog ang mga
bata. Napabitaw sa sinabitang dyip ang mga ito at nabagok pa nga ang isa sa
kanila, habang ang isa ay muntik pang masagasaan ng kasunod na sasakyan.