http://paulignatius.files.wordpress.com |
Minsan ko
lang nasubaybayan ang ilang mga programa tulad ng Digital LG Quiz at Battle of
The Brains noong bata pa ako. At maliban pa sa eskwelahan, dito ako madalas
nagpapakanerdo para lang matuto kahit ang majority sa mga napapanood ko nun ay
akma sa mga nakakatandang mga estudyante. Naalala ko lang ang panunood sa
Battle Of The Brains ng Channel 9 na ang host ay hindi ko kilala (hanggang sa
nalaman ko na isang David Celdran pala iyun) habang nalatambay sa opisina nila
nanay at tatay nun. Ang Digital LG Quiz (na naging Digital LG Challenge) ay tuwing
Linggo ng umaga sa GMA at host nun ay sila Paolo Bediones at Regine Tolentino,
pero madalas naman e sa bahay ko lang pinapanood ito n’on.
http://logothailand.tarad.com |
Pero sa mga
nakalipas na taon e unti-unti na ring nage-evolve ang programming ng television
sa Pilipinas, partikular na sa primetime slot. Siguro dala na rin ito ng
paglipana ng mga cable services at kung anu-ano pang nakapagpabago sa taste ng
tao.