7/24/2013 3:33:03 PM
Suspendido sa loob ng limang buwan si Mohan Gumatay, mas
kilala bilang si DJ Mo Twister. Ipinataw ito ng istasyon ng kanyang
pinaglilungkuran sa kanya.
Naku, ano na naman ang kinasangkutan ng mamang ito? E ikaw
ba naman ang magtalakay ng sex sa palabas mo sa umaga e.
Yun lang? Hoy, anong “yun lang?” Sino ba namang nasa
katinuan ang magbabato ng sex bilang topic sa radyo sa pagitan ng alas-sais
hanggang alas-diyes ng umaga? Pampagising nga ng dugo pero wala naman sa hulog
ang datingan niyan. Lalo na’t hindi naman masa ang target audience mo; at kahit
nga masa station e hindi basta-basta pinag-uusapan ang alinamng bagay na may
kinalaman sa sex e.