Sa panahon ngayon, hindi natatalab ang kasabihang “Don’t
judge the book by its cover.” Bagama’t may mga matitinong kritiko naman sa
mundong ito, e marami naman ang mga superficial, yung skin-deep lang ang
pag-unawa. Ano ang ibig kong sabihin? Pansinin mo ang mga bagay-bagay sa
lipunan, sa mga news feed mo sa Facebook, at diyan mo makikita ang mga sagot,
tulag ng mga ito:
Itsura o pananamit ng tao. Sa mata ng iba, diyan mo makikita
ang personalidad ng isa. Kung anong klaseng tao ka.
- Kapag magandang lalake ka, dalawang bagay: sa matitino at sa mga babae, gwapo; at sa mata naman ng mga insecure, bakla, lalo na kung may pagkabanidoso ang mga ito.
- Kapag hindi kaaya-aya ang panlabas na anyo, ineechepwera ng karamihan. Wala na silang pakialam kung mabait naman ang kalooban nila sa kabila ng kanilang itsura.
- Kapag naka-make-up masyado si ate, dalawang bagay: sobrang kaartehan, o isa sa mga prosti. Yun lang ang panlaban niya kahit laspag na talaga pag nahubaran e.
- Kapag corporate ang attire, mataas na ang katungkulan ang tingin nila sa kanya. Teka, hindi ba pwedeng uniform nila ang ganyan?
- At kapag kulot ang buhok, parang yung usong kasabihan… salot.
Sa pagsasalita naman nalalaman din ang ugali ng isa.
- Kung matiwasay, mahinhin ka.
- Pero kapag balahura ang dating, e parang ganun nga.
- Kapag may slang, sosyalera na daw o maarte.
- Kung loudmouth masyado, parang nagger.
Kapag may kasama ka sa isang lugar, pampubliko man o bahay,
may masasabi din sila depende nga lang sa mga kasama mo.
- Kapag ang dalawang babae ay magkasama, ayos lang yan bagamat may iba diyan bumibira na “ay, sa malamang ang isa diyan ay tibo o lesbian.”
- Kapag ang isang babae at isang lalake naman lalo na kapag magkaedad lang sila sa itsura, ang unang impresyon ng ilan? “ay, mag-syota ‘to” kahit sa totoo lang, puwedeng mag-utol o magkatropa lamang sila o kahit wala naming akto ng PDA na nagaganap.
- Kapag dalawang lalake ang magkasama, dalawang bagay: magtropa o yung isa diyan, bakla.
- Kapag may kasamang bata, “ay, may anak na” ang sambit nila, kahit sa totoo lang e inaanak mo lang o pamangkin o kung ano pa iyan.
- Kapag ang isang pangit at maganda ang nagsama, “ginayuma” daw ni pangit. Ngek! Grabe naman iyan.
Sa isang simpleng post ng Facebook natutukoy din ang
personalidad ng tao. At sa mga kumento ng ilan mo mahahalata kung nakakintidi
ito sa binasa nilang post o hindi. Ilang bese na ko nagmamasid at ito ang mga
nakita ko… kasarap lang bigwasan ang iilan.
- Pag nagpost ang user ng isang mala-ampalayang mga salita at may babala ito, may magkukumento pa rin ng “Ang bitter mo, gago!” Ay, ang tanga lang.
- Kapag nagpost ng isang tirada o nagaalab na saloobin ang isa, may nagkukumento ng “hoy, sino na naman ang kaaway mo?” o ‘di naman kaya ay “U MAD?” Ay, hindi! Proud ako, tanga!
- Kapag nag-post ang isa ng isang mala-kesong linya, dalawang bagay: sweet o in love, o corny/ gasgas na. kapag maraming sinasabi, ano ka? Ernie Baron? Ang dami mong alam, dre. Sorry ha? Inggit kasi ang mangmang na tulad mo e.
- Kapag may nilalamang maselan na salita, malibog na kaagad. Weh?
Ang mga nabanggit ko ay iilan lang sa mga bagay-bagay na
naka-agaw ng pansin sa akin. Ayun pa pala, kapag napuna mo, masasabihan ka pa
na “pakealamero.” Sabagay, kung may mga kapuna-punang mga bagay ba naman e. At
may pagkadepende ang pagiging pakialamero at tsismoso ng isa. Siyempre, nilulugar
din iyan. May mga bagay na pwedeng pansinin at may mga bagay din na off-limits
na.
Sa wall photos nga lang e pag may napansin lang kukunan na
kaagad ng litrato e regardless kung worth it ba ng attensyon ang bagay na iyun
o hindi. At mahahalata mo din kung gaano kababaw ang panghuhusga ng ilang mga
tao. Pustahan, kapag ito ay nabiktima ng ibang tao sa ganyang gawain din na
tulad nila e diyan lang sila matatauhan. Nakakahiya kaya ang pagtripan ka sa
social media.
Sa balita, pag nahagip ka lang ng lent eng kamera e akala ng
iba laman ka na rin ng balita mismo. Yung iba nga pag nadyaryo e, akala nila
masamang balita na ang kinasangkutan.
Pag na-typo ka nga lang sa ilang mga post, may mga aaribang
mga “Nazi” diyan. Lalo na siguro kung palyado pa ang pag-i-Ingles mo. Grammar
Nazi ang aatake sa iyo.
Sa sobrang marami ring mga perpeksyonista sa mundo,
nakalimutan yata ng mga ‘to na hindi sila angat kahit ilang beses sila mamuna
at makisawsaw. Yan, ang hihilig kasi makiuso e.
Marami pang mga tanong. Parang mga ito:
- Pag may litratong magkasama, magka-date na kagad?
- Kapag siya ang last touch, siya na kaagad ang nagnakaw?
- Kuapag nakashoot a la Kobe moves, superstar na kagad?
- Kapag mabilis mag-rap si Loonie na kagad?
- Kapag mga ganitong linya, si Vice na kaagad? (Sabagay, siya ang nagpauso niyan e.)
O ewan… ang dami.
Isang bagay lang ang sigurado. Mapanghusga tayo sa sariling
karapatan at pamamaraan sa ayaw o sa gusto natin. Pero pustahan ang iba,
magdedeny, at yung iba na maghuhugas-kamay, mabibira pa ng “ipokrito” ng iba.
ay, naku. Ayos lang maging kritiko, pero sana
laliman naman natin. Hindi yung “may masabi lang.”
Author: slickmaster | Date: 08/03/2012 | Time: 09:39 a.m.
© 2012 september twenty-eight productions