8/10/2013 11:48:26 AM
Gaano kahalaga ang home crowd sa laban ng mga manlalaro ng
Gilas Pilipinas sa kasalukuyang FIBA Asian Championship? Napaka-importante lang
naman sila. Sa isang basketball-crazed nation na tulad natin, isang malaking
karangalan ang maging isa sa mga pinakatanyag at pinakatalentadong koponan sa
larangan ng naturang palakasan.
Nariyan ang mga matitinding suporta ng crowd, mga talaga
namang passionated na fans. Walang tigil na sumusuporta sa kanilang bet na
player o team para lang ipanalo ang laro. Meron nga dyan ay may dala-dalang
paraphernalia tulad ng banner o streamer, mga placard na gawa sa samu’t saring
klase ng papel o karton, tambol (bagay na usong-uso sa mga cheerleading suqad
ng mga collegiate leagues), clapper, at ang kanilang presensya o boses. Maliban
pa yan sa iilan na nang-aasar sa kalaban. Matinding satisfaction ‘to para sa
kanila.