Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.
Showing posts with label cyberspace. Show all posts
Showing posts with label cyberspace. Show all posts

16 October 2012

Cybercrime Can’t Stop Blogging...


Bago pa man naisulat ng awtor na ito ang naturang blog, naglabas kamakailanlang ang Korte Suprema ng isang Temporary Restraining Order o T.R.O. na nagpapatigil sa pamahalaan sa pag-iimplementa ng Republic Act No. 10175 o ang Cybercrime Prevention Act of 2012 sa loob ng mahigit isangdaan at dalawampung (120) araw. Ang nasabing TRO ay naging epektibo noong Martes, a-9 ng Oktubre, taong 2012, at ang naging tanging pansamanatalang resolusyon base sa 15 petisyon sa SC ng iba’t ibang mga grupo na kumokondena sa cybercrime bill mula noong pinirmahan ito ng Pangulong Noynoy Aquino noong nakaraang Setyembre at tuluyang naimplementa naman noong Martes, Oktubre 2, 2012.

Maraming tao ang nagtatanong sa akin ukol sa isyu ng cybercrime law, lalo na noong nalaman nila na isa akong blogger na panay sa pulitika, opinion at lipunan ang mga madalas na tema ng aking sinusulat o nilalahad. Mula sa mga ka-clan ko sa text, Facebook friends, Twitter followers at kahit yung mga nakaksabay ko sa pag-aapply ng trabaho.

Paano na lang daw ang tulad ko na isang blogger? Dahil sertipikado daw na malalagay sa alangan ang mga tulad ko, amateur man (bagay na kinabibilangan ko) o isang pro.

03 October 2012

MASISISI MO BA SILA?


Ang mga tao sa mga social networking sites, na ang lalakas ng pwersa kahit hindi nagsasalita. Sa isang post o comment lang, kaya na nila banggain ang sinuman. Mga nambubully man, na-caught in the act na kawatan, at kahit ang mga sikat na personalidad. Masisisi mo ba sila kung bakit gan’on na lang ang reaksyon nila sa batas na tila kikitil sa kalayaan nila na maglahad ng anumang naiisip at nararamdaman nila sa internet?

Oo at hindi lang ang posibleng sagot na nakikita ko.

02 October 2012

The Libel-Prone World.


Hmmm… paano nga ba ang Pinoy kung maisakatuparan ang cyber crime law? Lalo na ang libel provisions nito? Marami man ang magiging palaban sa batas na ito, pero paano nga ba sila hindi aalburoto kung ultimo ang mga eksperto ay nagsasabing sumobra na sa pangil ito. At mantakin mo, ang ilang mga mambabatas ay umamin na parang may mali sa naisabatas na Republic Act 10175? Ke hindi raw na-review ng husto ang mga probisyon sa kasong libelo

Wala nang murahang magaganap. Baka ma-libel e. Mahirap na.

Wala nang ring asarang magaganap. Baka-libel na din maituturing.

Wala na ring mga meme’t wall photo na pagtitripan. Sabay, parang bullying na rin kasi ang dating e.

Ang hirap kasi ay hindi malinaw ang pamantayan kung kelan libelous ang salita o hindi. Magkakaiba tayo ng standard ng tolerance bilang tao. Kungbaga kung ang salitang tulad ng "Gago" at iba pa ay expression pa lamang para sa akin, baka sa iba o kahit sa inyo, hindi. Ganun kalabo. Sa print at broadcast media may matinding distinction sa mga salita kung libelous ba ang mga ito o hindi. Pero sa social media, iba na ang kahulugan nito. Yun lang ang problema.

01 October 2012

Paano silang mga bata?


Magtatanong lang po, tutal uso naman pag-usapan ang batas na ito.

Teka, paano na nga lang ba ang mga kabataan kung ma-implementa ang Republic Act 10175 o ang Cybercrime Protection Act of 2012?

Karamihan kasi sa mga bata ngayon na napapansin ko ay sadayng mapusok. At hindi lang to usapin ng PBB Teens, ha? Sa mundong umiikot ang karamihan sa kanila sa mga aktibidades pagkatapos ng klase gaya ng DotA, walang kwentang relasyon, teenage sex, usapang “crush,” “face-off” sa wall photos ng Facebook, sa mga “frat,” mga pipitusging musika ng popular na kultura, ultimo mga tunog-dyip na hip-hop at iba pa… May mga… well, (err) ganyan, na mga kabatan. Nakikita ko pa ang mga yan base sa mga laman ng news feed ko sa Facebook pati na rin sa Twitter. Karamihan kasi sa mga iyun ay mga tao na mas bata pa sa akin.