Ang musika ay isa sa mga naging pinakamalaking parte ng
buhay ko. Hindi puwede na minsan ay hindi ko bubuksan ang radyo, cassette/cd player,
o kahit ang iPod ko para lang makapakinig ng isang kanta sa kada araw na
lumilipas. Kaya siguro, naging isa sa mga pinapangarap ko ang maging disc
jockey sa radyo.
Kaya hindi puwede sa akin ang isang computer na wala ni
headset man lang, o mas malala, hindi pa pala nakainstalled ang audio driver.
Hindi rin puwede na wala akong naka-istak na CD o mp3 sa library ko. At minsan
pag pinagkait mo sa akin iyan, baka magkamatayan pa tayo niyan (pero loko lang
iyun).
Oo, naging pangarap ko nga ang
maging DJ. Yun nga lang, mahirap paniwalaan dahil hindi naman ako ganun katalak
noong mga panahon na iyun. Basta, ang alam ko, trip ko gawin ang magsalita ukol
sa kantang pinapatugotog ko, introduce yun sa ere, and presto. Isama mo na ang
ilang plug, spiel at commercial break. At tila pinapraktis ko yan sa harap ng
salamin, o sa harap ng PC basta may mikropono at headset na nakasuot at may
Windows Media Player, Winamp, Virtual DJ, o ang sinaunang bersyon ng iTunes na
nakasalang.