11/05/2012, 10:50 AM
“Sila sila na lang!” Yan ang litanya ng magulang ko, at pati
na rin ng ilang mga mamamayan na maalam sa mga maiinit na balita ukol sa
magaganap na Midterm Elections sa Mayo 13, 2013.
Ano ba yan? Parang sila na lang ang magkakalaban at
magkakapartido sa darating na halalan ha?
Oo nga e. Sino o sinu-sino ba ang mag-aakala sa ganito? Ang
tatakbong mayor ay anak ni congressman? Yung asawa ni mayor, kakalabanin naman
ang kabilang partido na tatakbo naming congessman? O gobernador, city councilor?
Palibhasa may pangalan at kamag-anak na sa nasabing larangan e.
Pero matagal na kaya ang isyu ng political dynasty sa bansa.
Oo, since time in memorial, p’re’t mare. Usong-uso na mula sa mga lungsod, at
mas talamak pa nga ito sa mga probinsya. May mga pagkakataon pa nga na minsan,
kung sino pa ang magkakadugo, sila pa ang magkakatunggali. E alam mo naman ang
kalakaran d’yan. Sa ngalan ng kapangyarihan, may mga tao talaga na hahamakin
ang lahat, makuha ang puwestong hinahangad.
At teka, ang pagkakaalam ko ay may tinakdang alintuntunin sa
ating saligang batas na nagbabawal sa ganyan ha? Ika nga…