Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.
Showing posts with label election. Show all posts
Showing posts with label election. Show all posts

23 May 2016

SHATDAPAKAP

05/23/2016 05:22:44 PM

Limang salita: Shut Up Na Lang Kayo. O may iba pang alternatibo: Shut Up Ka Na Lang. Mas matindi ang patama.

Isa sa mga pinakamatunog na soundbyte noong nakaraang eleksyon. Paano nga naman hindi ito magiging sikat, kung ang nagsalita naman nito ay isa sa mga pinagititiliang mga artista (well, pinagtitilian ng mga malalanding fangirl at mga isip-batang mga basta-basta nahuhumaling sa showbiz) na si Daniel Padilla.

26 April 2016

Wanted (for Election): PRESIDENT Of The PHILIPPINES

04/12/2016 04:38:37 PM


Masyado nang maraming baho. Masyado nang maraming sinasabi. Masyado nang maraming pamantayan sa pagpilipilian kung sino ba ang dapat mamuno sa susunod na anim na taon.

Ang tanong: una, sino ba ang ilalagay mo sa balota? At bakit sila? At dyan nagsisimula ang isang mahabang usapan na madalas ay nauuwi pa sa samalimuot na katapusan.

16 October 2015

Na-#DuterteZoned Ka Dre?

10/16/15 05:43:50 PM

rojan88.wordpress.com

Ayan. Nasaktan na naman kayo. Disappointed. Galit na para bang hiniwalayan kayo ng syota, o nabasted ng nililigawan, o nasabihan na “ hanggang magkaibigan lang tayo.”

At bakit nga naman hindi? Umaasa kasi kayo sa mga binibitiwang salita eh.

Alam niyo naman ang mundo ng pulitika dito sa Pilipinas. Kung hindi puno ng kasinungalingan, lipunan naman ito ng mga taong “walang isang salita.” Hindi ganun katigas ang paninindigan.

27 May 2014

Mag-rehistro Din Pag May Time

5/24/2014 5:47:53 AM

Isa sa mga pinaka-karapatan nating mga Pilipino ang bumoto, o maghalal ng isang tao na karapat-dapat na maging representante natin sa pamahalaan (dahil isa tayong malayang lipunan, este, demoratikong republika), at ito ay naisasagawa sa pamamgitan ng mga elesyon, o sa ibang termino sa kaparehong wika ay halalan.

Kaya naman kamakailanlang, noong simula ng buwan na ito ay inulunsad muli ng Commission of Elections ang registration para sa darating na 2016 Presidential Elections.

27 October 2013

Iboto Si Wisely!

10/27/2013 12:17:30 PM

www.keepcalm-o-matic.co.uk
Palagi na lang nating naririnig ang salitang ito pag panahon ng botohan: VOTE WISELY. Mula sa eleksyon sa pamayanan (barangay, local na komunidad man, o national – presidential man o midterm yan) hanggang sa mga reality shows na kinakailangan ng “audience participation” (siyempre naman, d’yan masusukat din ang “audience impact” ng isang kalahok at ang popularity factor ng isang palabas maliban pa sa ratings nito), usong-uso ang “boto.” Teka, baka naman sa election ng class officers ay maririnig mo pa ‘to ha? Pati ang election ng board of officers? Sabagay, kahit OA nga lang ang datingan.

Tama, VOTE WISELY nga ang palaging paalala ng mga station voiceover sa kani-kanilang mga promo ad; at pati ang mga graphic designer at copywriter sa kani-kanilang mga print ad. Dito lang ako nagtataka – ang tanong: Sino si WISELY?

“Liquor Ban” Your Face!

10/27/2013 11:04:05 AM

Laging uso ang liquor ban na ito ‘pag dumarating ang  eleksyon, barangay man, local, o national. Ang tanong, nasusunod naman ba ang “liquor ban” na ito?

14 May 2013

PlayBack: Ilusyon

5/14/2013 10:58:20 PM

Balik sa eksena ng rap sa Pilipinas. Sa isang artista na patuloy na namamayapgpag maliban pa kay idol Gloc-9. Oo, at hindi itong isang pseudo-love song o sabihin na natin na isang malaromantikong tema (ganyan ang pagkaintindi ng karamihan sa mainstream e) na tulad ng “Gayuma.”

10 February 2013

Vice Ganda's 2010 Election Jokes.

10:42 PM | 02/10/2013

Flashback to 2010. Hindi ako fan ni Vice Ganda, at aminado ako na hindi na ako masyadong fan ng kanyang “makapilosopong-babaw na jokes” (na nauso salamat sa Showtime at natampok sa Vice Ganda Syndrome ni Juan Mandaraya).

Pero mas trip ko ang mga komedyante na bumibitaw ng satire comedy jokes. Tulad nito, ang simpleng pamimilosopo sa mga sa mga tagline ng mga campaign ads sa mga pulitko, lalo na umaakma ito sa panahon ng eleksyon noon.

Ang ilan sa mga kataga na binitawan niya sa videong ito na kinunan sa gig ng nasabing komedyante sa Islang Cove at inupload sa YouTube channel ni Ivan Sinsin noong Abril 27, 2010 ay mga ito...