11:48:49 PM | 5/15/2013 | Wednesday
Mga minamahal na kababayan, bakit ang
tatanga n’yo? Noong mga nagdaang taon, noong panahon na naghari ang korapsyon, naghahangad kayo ng pagbabago. Nitong mga
nagdaang araw na’y dumating na ang eleksyon, ni hindi naman kayo bumoto. Puro kayo
reklamo. Anak ng puta naman, ano ba talaga ang gusto n’yong mangyari sa
lipuanng ginagalawan n’yo?
Oo. May bumoto nga naman. At noong dumating
na ang eleksyon, laging paalala sa inyo na bumoto ng wasto. Pero ano ang ginawa
mo? Winaldas ang pagkakataon. Nagpasilaw sa kasikatan nila, kahit wala namang kakwenta-kakwenta
o ni substamsya ang kanyang ginawa, basta may pangalan, sige lang. Parang mga
gago lang na nagpadala sa kandidato porket may sarili siyang palabas at pera. Kahit
walang kilos at puro lang boka. Ay, nakakaloka.