2:38:57 PM
| 7/10/2013 | Wednesday
Anyare
Philippine Comedy?
Matanong ko
lang. Sumabay pa sa pagpanaw ni Rodolfo Vera Quizon ang unti-unting pagkamatay
na rin ng komedya sa ating bansa?
Hindi. Sa totoo
lang, hindi naman yan tuluyang namatay e. Siguro nag-iiba lang talaga ang taste
natin. Kasabay ng pagbabago ng panahon at ng kapaligiran natin.
Kung tutuusin,
simula noong pinaunlakan natin ang mga kabaduyan na bagay sa radyo at ang mga
telenovela sa primitive television, doon unti-unting namatay ang larangan ng
pagpapatawa. Ang komiks? Hindi naman yan pinapansin ng tao e. Pustahan,
pansamantala lang nagkaroon ng exposure ang induistriyang yun noong nasangkot
sa isang mainit na isyu ang satirical na akda ni Pol Medina Jr. na Pugad Baboy.