Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.
Showing posts with label etiquette. Show all posts
Showing posts with label etiquette. Show all posts

27 October 2016

Modern Virtual Cancer

10/26/2016 01:52:35 PM

Artwork by General Miss A
Sa totoo lang, hindi yata marunong magmove on ang mga tao sa Pilipinas. Nagbago na ang administrasyon, unti-unti na rin nagbabago ang mga kaganapan sa parehong pulitika at popular na kultura.

Pero ang kamalayan ng mga tao sa social media, parang tumatandang paurong e. Kahit makipagtalo ka pa na hindi na bago ang mga ito.

24 October 2016

The Walking Dead Na! Eh Ano Ngayon!?

10/24/2016 09:36:20 PM

Photo credits: ComingSoon.NET
Lunes na naman. At para sa mga adik sa mga samu't sariling TV series mula sa Amerika, ito ang palabas na tinatangkilik nila; ang pinakapatok: The Walking Dead.

Isang horror drama na palabas na hinango mula sa komiks ni Robert Kirkman, na siya ring may gawa ng Outcast. Kasama ni Kirkman sa paggawa nito sila Tony Moore at Charlie Adlard. Si Frank Darabont naman ang nag-develop nito sa telebisyon.

Sa sobrang hit nito, naging isa na siya sa mga pinakatanyag na pangalan sa popular na kultura mula tauhan hanggang lugar. At maliban kasi sa drama, likas rin kasi na mahilig ang marami sa atin sa mga horror na palabas. Hindi man yung mga gaya ng multo o maligno pero at least yung hinahabol ka ng zombie.

Kaya nga pumatok ang larong Plants vs. Zombies sa atin, 'di ba?

Eh Season 7 na pala ng The Walking Dead kaninang umaga.

Eh Ano naman ngayon?

11 August 2012

Asal sa Internet 101

08/11/2012 02:10 PM


Think Before You Click,” ika nga ng GMA-7. Ginamit ng istasyon na iyan ang mga nasabing salita bilang slogan nito sa kanilang adbokasiya ukol sa internet etiquette – bagay na dapat gawin at hindi dapat gawin ng mga tao sa harap ng computer na naglilink sa kanila sa cyberspace.

Parang asta lang din ng tao yan sa kalye. Kung gaano ka magsalita ay kahalintulad sa kung gaano ka maglahad ng mga salita sa inyong mga tweet, status o ultimo mga blog. Kung ano ang iyong itsura sa kalye o mga pampublikong lugar ay ayon naman sa mga litrato mo, lalo na sa album mo na Profile Pictures. Kung may kwenta ba ang sinasabi mo o wala, kung pangit ba ang itsura mo o maganda, iyan ang basehan, lalo na kung asal-gago ka ba o sadyang matinong tao lang talaga.

THINK BEFORE YOU CLICK, o mag-isip bago mag-click.