7/27/2013 2:36:32 PM
Dahil tag-ulan na naman ulit, uso na rin ang mga pagbaha. At
usong uso rin sa mga uri ng panahon ang tila kaakit na nitong sari-saring serye
ng mga reaksyon na napapansin natin. Kunyaring halimbawalang, pag umaaaraw, uso
rin ang panaon ng tagtuyot. Tapos, uso rin ang mga pagkain tulad ng ice cream,
halo-halo, at iba pa. Parang domino effect o chain rection ang datingan nga
lang. Sanga-sanga ang epektong maidudulot ng isang karampot na sanhi.
Dahil tag-ulan na nga, usong-uso ang baha. At pag may baha,
may mga lalangoy. Siyempre, hilig ng mga bata ang magtampisaw sa tubig e. Wala
nang pakelamanan kung galing ba sa imburnal ng bahay mo yan, sa malapit na
creek, o sa ilog mismo. basta, gusto lang nilang maligo. Period. Tapos!