Hindi na ako magtataka kung bakit ang daming umaalma ng “no
more freedom of speech?!” sa mga Pinoy na laging naka-online pagdating sa
usapin ng cybercrime act. Kahit po ang inyong lingkod ay tumutuligsa sa mga
probisyon ng electronic libel. Oo nga naman, bakit parang pipigilan mo kami
magsalita?
Sira ba ‘tong mga ‘to? Parang literal na sinungalngal o
nilagyan mo ng busal ang mga bibig naming niyan. Pa’no ka aaksyon kung hindi mo
alam ang mga hinaing ng mga kalipon mo. At… oo nga pala, akala ko ba kami ang
boss mo, at hindi ka pwedeng makinig sa mg utos namin? Labo.
Pero, ang punto kasi, pagdating sa mga panukalang batas, kadalasan ay pumipirma lamang siya bilang punong ehekutibo ng bansang ito. At may veto process na sinusunod kung sakaling hindi aprubahan.
(Ayun ito sa usapan namin ng isa sa mga followers ko sa Twitter na itatago ko sa inisyal na I.M.A., ito ang mga posibleng pangyayari at pamamaraan sa estado ng pagpirma at ng veto process)